Matapos magtago ng 25 taon, bumagsak sa kamay ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dating miyembro ng Philippine Constabulary—Philippine National Police na ngayon—na ilang dekada nang pinaghahanap sa kasong murder.

Inaresto si dating PO3 Rodolfo “Boy” Gamuyao, 64, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Bacolod Regional Trial Court Branch 54 noong Hulyo 1, 1992.

Sa pagsasanib-puwersa ng NBI International Operations Division at Intellectual Property Rights Division, naging matagumpay ang pag-aresto kay Gamuyao sa isang food court sa Terra Plaza sa Bacolod City nitong Abril 19.

Base sa intelligence report ng NBI, sangkot si Gamuyao at ang kanyang grupo sa pagbebenta ng matataas na kalibre ng baril at ilegal na droga sa Region IV. (Beth Camia)

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol