MOSCOW (AP) — Limang Russian athlete ang pinatawan ng dalawang taong suspensiyon bunsod ng iba’t ibang kaso sa doping rules noong 2012 Olympics at 2013 track and field world championships, ayon sa All-Russian Athletics Federation.

Kabilang sa lima sina Antonina Krivoshapka, silver winner sa Russian 4x400 relay team at Olympics, at Yevgenia Kolodko, silver medalist sa 2012 Olympic shot put event.

Nauna nang binawi sa kanila ng International Olympic Committee (IOC) ang mga napagwagihang medalya.

Namiminto ring bawiin kay Krivoshapka ang 4x400 gold at individual 400 bronze medals na napagwagihan niya sa 2013 world championships, ngunit wala pang opisyal na pahayag rito ang IAAF.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Bunsod nito, ibinigay sa U.S. team nina Jessica Beard, Natasha Hastings, Ashley Spencer at Francena McCoroy ang gintong medalya at ang silver sa Britain at bronze sa France. Mapupunta naman kay Jamaican runner Stephanie McPherson ang individual 400 bronze.

Napatawan din ng two-year ban sina pole vaulter Dmitry Starodubtsev, ikaapat sa Olympics at discus thrower Vera Ganeyeva, ika-23 sa Olympics. Pinatawan naman ng banned si hammer thrower Anna Bulgakova nang magpositibo sa isinagawang retest ng kanyang sample sa 2013 worlds.

Ayon sa All-Russian Athletics Federation, kusang inamin ng lima ang nagawang pagkakamali.