CHIBA – Matikas ang simula ni Pinoy golf star Juvic Pagunsan sa naiskor na three-under 68 sa opening round ng Panasonic Open nitong Huwebes dito.

Tumipa ang Filipino shotmaker, pangatlo sa nakalipas na Japan Tour’s Token Homemate Cup sa Nagoya, nang tatlong birdies sa front nine bago nakadama ng hirap sa Chiba Country Club Umesato Course.

Nagtamo siya ng double-bogey sa No. 2, bago nag-eagled sa No. 6, subalit muling nalaglag sa two-under sa isa pang bogey sa No. 8 but bago ang birdie sa sumunod na hole.

Sumosyo si Pagunsan sa ikawalong puwesto, may apat na stroke ang layo sa nangungunang si Jason Knutzon ng US, humirit ng walong birdies at isang bogey.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Magkasosyo sa ikalawang puwesto sina Udorn Duangdecha ng Thailand at Satoshi Kodaira ng Japan sa parehong iskor na 66 sa torneo na co-sanctioned ng Japan Tour at Asian Tour.

Umiskor si Miguel Tabuena ng tatlong birdies at isang bogey para sa two-under 69 at sosyong ika-16 na puesto, habang tumipa si Tony Lascuna ng 72 at laglag si Angelo Que sa 73.