LOS ANGELES (AP) – Sisimulan ng U.S. men’s basketball team ang paglalakbay patungo sa 2020 Olympics sa pagsabak sa FIBA AmeriCup 2017 preliminary-round play sa Montevideo, Uruguay.

Sa isinagawang draw of lots nitong Huwebes (Biyernes sa Manila), napunta ang Americans sa Group C kasama ang host Uruguay, Panama at Dominican Republic. Ang semifinals at finals ng 12-team tournament ay sa Sept. 2-3 sa Cordoba, Argentina.

Inaasahang ipadadala ng U.S. ang NBA Team sa kanilang unang pagsabak sa dating FIBA Americas tournament mula noong 2007. Ang torneo ay nagsisilbing qualifier para sa Olympics at world championships, at hindi na dumadaan ang Americans sa naturang proseso.

Ngunit, sa ginawang pagbabago sa programa ng basketball governing body, nabago rin ang qualification system simula ngayong taon. Ang 2019 Basketball World Cup sa China ay gagamiting qualifying para sa 2020 Tokyo Games, at kailangan ng Americans na maglaro sa regional tournament para mapakaro sa Olympics.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Inaasahang ipahahayag ng US Team ang kanilang line up sa pagtatapos ng NBA playoffs.

Ang Group A ay gaganapin sa Medellin, Colombia na tatampukan ng host Colombia, Mexico, Puerto Rico at isang bansa na pipiliin. Host ang Argentina sa Group B sa Bahia Blanca — hometown ni Manu Ginobili – kontra sa Canada, U.S. Virgin Islands at Venezuela.

Ang mananalo sa bawat grupo at makakausad sa semifinal kasama ang Argentina.