jessy-luis copy

MARIING itinanggi ni Luis Manzano ang isyung engaged na sila ni Jessy Mendiola.

Nagtungo kasi sa Japan ang magkasintahan at doon nagbakasyon nitong nakaraang Lenten Season, kaya umugong ang isyung nag-propose na raw si Luis sa dalaga.

Pero ayon kay Luis, ini-enjoy lang nila ni Jessy ang bakasyon na tamang-tama naman daw sa magandang pamumukadkad ng cherry blossoms.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang mala-alamat na kuwento ng Bulkang Kanlaon

“As I have said, ‘di ko naman ikinaila na ready na ako physically, mentally and financially din naman, pero may mga bagay-bagay pa rin na dapat paghandaan para sa aming dalawa ni Jessy,” paliwanag ni Luis.

Binanggit din ni Luis na isa sa mga matutuwa kung sakali ngang magpakasal na sila ni Jessy -- at magkaroon ng supling -- ang kanyang inang si Congresswoman Vilma Santos-Recto.

“Ang mommy ko, eh, alam n’yo naman, eh, sabik na ‘yang magkaroon ng apo. Pero darating din kami... tayo d’yan,” napatawang sabi ni Luis.

Samantala, sa Minute to Win It na hino-host ni Luis ay guest player si Jessy kasama ang malalapit na kaibigan niya.

Siyempre, nahingan ng mensahe si Jessy para sa may kaarawang nobyo.

“Nagpalasalamat ako na dumating ka sa buhay ko. Sana marami ka pang blessings na matanggap kasi napakabuti mong tao, napakabuti ng puso mo at deserved mo lahat ng nakukuha mo,” emosyonal na pahayag ni Jessy Mendiola. (JIMI ESCALA)