ARIES [Mar 21 - Apr 19]
Konti na lang matatapos mo na! Huwag na huwag kang susuko.
TAURUS [Apr 20 - May 20]
Basta ang alam ko lang, malayo ang mararating mo kung magiging risk taker ka.
GEMINI [May 21 - Jun 21]
Ngayon ka pa ba susuko? Huwag mo hayaan masayang lahat ng pagod mo. Pahinga ka lang tapos laban ulit.
CANCER [Jun 22 - Jul 22]
‘Wag kang mainggit sa mga kabatch mo. Mag-focus ka lang sa path na pinili mo.
LEO [Jul 23 - Aug 22]
Nakadepende ang success kung paano mo ito ide-define kaya ‘wag ka masyadong ma-pressure. Ano nga ba ito para sa ‘yo?
VIRGO [Aug 23 - Sep 22]
Hindi naman kayo magkakapareho ng time zone. Bakit lagi mong kino-compare sarili mo sa kanya? Grow up!
LIBRA [Sep 23 - Oct 22]
Lagi talagang may mas magaling sa ‘yo kaya mag-focus ka kung paano mo pa mas i-improve ang sarili mo.
SCORPIO [Oct 23 - Nov 21]
Walang mahirap kung magsusumikap ka lang sa life.
SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21]
Hindi naman kasi agad-agad ang success. You have to earn it. Paghirapan mo!
CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19]
I-nurture mo ang relationship niyo as friends bago kayo mag-jump over sa next level.
AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18]
Ready ka na umalis? Ang tanong, ready ka na ba mag-fail?
PISCES [Feb 19 - Mar 20]
Kayang-kaya mo ‘yan! Sa una lang talaga mahirap.