SAYANG at wala si Gabby Padilla sa Director’s Club ng SM Megamall nang ipa-preview ng TV5 ang Pagtatapos, ang third episode sa film-made-for-television ng Brillante Mendoza Presents. Hindi tuloy siya personal na na-congratulate ng press people sa mahusay niyang pagganap sa role at karakter ni Shaira Torres.
Si Direk Brillante ang na-congratulate ng press people sa magandang episode at mahusay na pagganap ng cast na kinabibilangan ng mag-asawang Noni at Shamaine Buencamino bilang sina Raymond at Helen. Saka ang press people na lang ang nagsabihang “ang galing ni Gabby.”
Sa kanyang FB account, nabasa namin ang post ni Gabby na, “This is making me queasy. Very honored to work with Direk Brillante Mendoza again and the rest of the legendary team on my first ever (!!!) TV special. Tune in to TV5 on Saturday (April 22) and catch PAGTATAPOS at 9:30PM!”
Sa nabasa namin sa FB, stage actress si Gabby at gumagawa rin ng indie films. Ang ilan sa friends niya ay kilalang stage actress.
Ang Pagtatapos ay istorya ng 4th year folk dance student sa High School for the Arts sa Mt. Makiling, Los Baños na may pinagdadaanan sa personal na buhay, pag-aaral at ang vision niya kay Maria Makiling.
May seryoso at importanteng apela rin ang Pagtatapos “to parents and families to take heed of the unspoken needs of their children. It raises awareness on a serious issue of youth suicide and how the family plays an important part in helping someone get through struggles.”
Kasama rin sa cast ng Pagtatapos sina Racquel Villavicencio, Nonoy Froilan, PHSA Director Vim Nadera, Olivia Bugayong, Joni Galeste, Ian Ocampo, at Renzo Arboleda. (Nitz Miralles)