CITY OF SAN FERNANDO, Pampanga – Simula sa Mayo 1, Labor Day, ay tatanggap ng P16 dagdag sa arawang sahod ang mga kumikita ng minimum sa pribadong sektor sa Central Luzon.

Nagpalabas nitong Miyerkules ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board 3 (RTWPB3) ng Wage Order No. RBIII-20 na nagdadagdag ng P16 sa arawang minimum na suweldo sa mga manggagawa sa pribadong sektor na epektibo sa Mayo 1.

“The Board deemed it best to increase the minimum wage at a reasonable and equitable level in light of the regional poverty threshold level vis-à-vis average wage, along the need to promote performance-based incentive schemes under the Two-Tiered Wage System,” saad sa wage order ng RTWPB3.

Dahil dito, ang minimum na arawang suweldo sa Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at Zambales ay P380 na para sa mga establisimyentong non-agriculture na may kabuuang asset na P30 milyon pataas, P373 sa non-agriculture na wala pang P30 milyon ang assets, P350 sa agriculture plantation, P334 sa agriculture non-plantation, P369 sa retail/service na may 16 o higit pang manggagawa, at P355 sa retail/service na may 15 empleyado pababa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa Aurora, ang bagong minimum wage ay P329 sa non-agriculture, P314 sa agriculture plantation, P302 sa agriculture non-plantation, at P264 sa retail/service na may 15 kawani pababa. (Franco G. Regala)