SA nalalapit na unang anibersaryo ng paglabas ng Lemonade, patuloy itong umaani ng award.
Napanalunan ni Beyonce ang Peabody Award nitong Huwebes para sa kanyang 2016 visual album, na unang lumabas sa HBO.
Kinikilala ng Peabody ang kahusayan sa larangan ng telebisyon, radyo, at digital broadcasting.
“Lemonade draws from the prolific literary, musical, cinematic, and aesthetic sensibilities of black cultural producers to create a rich tapestry of poetic innovation,” saad ng komite sa isang pahayag. “The audacity of its reach and fierceness of its vision challenges our cultural imagination, while crafting a stunning and sublime masterpiece about the lives of women of color and the bonds of friendship seldom seen or heard in American popular culture.”
Magsisilbing host si Rashida Jones sa 76th annual Peabody Awards sa New York City sa Mayo 20, na ipapalabas sa PBS at Fusion sa Hunyo 2.
Nanalo rin ang ina ni Blue Ivy, 5, ng Grammy for Best Urban Contemporary Album nitong Pebrero. Iniuwi rin ng kanyang single na Formation ang Best Music Video. Bagamat nominado ang Lemonade para sa Album of The Year, natalo sa kategoryang ito ni Adele si Beyonce -- na nagdiwang ng ikasiyam na wedding anniversary nila ni Jay Z nitong unang bahagi ng buwan.
“I can’t possibly accept this award, and I’m very humble and very grateful, but my artist of my life is Beyoncé,” saad ng British singer na si Adele, 28, habang tinatanggap ang pinakamalaking award nang gabing iyon. “This album for me, the Lemonade album, was so monumental.” (Us Weekly)