Kahit ipinatapon na pabalik sa Syria ang kanyang kasama, nananatili pa ring nasa Pilipinas ang inarestong babaeng miyembro ng teroristang grupong Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Matapos maglabas ng summary deportation ang Bureau of Immigration (BI) nitong nakaraang linggo, kinumpirma ni Justice Undersecretary Erickson Balmes na hindi pa nakakaalis sa Pilipinas si Rahaf Zina.

“We’re still coordinating po with the Syrian Embassy,” ani Balmes.

Ipinaliwanag ng Undersecretary na patuloy pa ring inaasikaso ang plane ticket ni Rahaf na nakatakdang pauwiin sa Syria.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Si Rahaf ang naulila ni Abu Jandal Al-Kuwaiti, ang ikalawang military commander ng ISIS sa Syria.

Ang kanyang ISIS na kasamahan, si Kuwaiti bomb expert Hussein Aldhafiri, ay ipinatapon na pabalik sa Kuwait noong Biyernes.

Bilang tugon sa kahilingan ng Kuwaiti Embassy na pauwiin si Hussein, inaresto siya at si Rahaf ng mga operatiba ng BI noong Marso 25 sa 28th St., Bonifacio Global City, Taguig City. (Jeffrey G. Damicog)