Sampung katao ang nasugatan, dalawa sa mga ito ay kritikal, matapos na sumalpok sa poste ang isang pampasaherong van sa national highway sa Barangay Bambad, Isulan, Sultan Kudarat, kahapon.

Kinilala ang mga biktimang sina Jerald Patarata Asana, 20, estudyante, ng Sen. Ninoy Aquino; Bryan Jay Camering Flamiano, 20, estudyante, ng Surallah, South Cotabato; Juliana Purca Mariano, 9, estudyante; isang Derick; Nelmar Dave Alcala Brillo, 18, estudyante, pawang taga-Sto. Niño, South Cotabato; Jalebert Laran Calacar, 30, ng Toril, Davao City; Ricky Palencia Aujero, 43; Rosalinda Bermudez Aujero, 39; Thelmel Purca Mariano, 35; at Vergil Legarda Mariano, 35, security guard, pawang taga-Matalam, North Cotabato.

Batay sa imbestigasyon ng Isulan Municipal Police, nakaidlip si Paulo Liguan habang minamaneho ang van mula sa Surallah patungong Isulan. (Fer Taboy)
Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental