INAASAHANG higit na mag-iinit ang labanan sa taunang selebrasyon ng Aliwan Fiesta sa paglahok ng 22 naggagandahang dilag sa timpalak na Reyna ng Aliwan na gaganapin sa maningning na pagtatanghal sa Abril 21, Biyernes.

Inilahad na ng Manila Broadcasting Company ang listahan ng mga kalahok sa taong ito, na muling suportado ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas at mga lungsod ng Maynila at Pasay.

Mula sa Luzon, kasali sina Alexia Edmund para sa Bambati Festival ng Isabela; Dianne Irish Joy Lacayanga para sa Panagbenga Festival ng Baguio; Alyssa Charish Vivasl para sa Kneeling Carabao Festival ng Pulilan, Bulacan; Patricia Kate Gonzales para sa Antipolo Maytime Festival; Ahtisa Manalo, ang kasalukuyang Bb. Niyogyugan ng lalawigan ng Quezon; Vivien Fabella para sa Boling-Boling Festival ng Catanauan, Quezon; at si Leidda Paulette Babasanta para sa Sikhayan Festival ng Sta. Rosa, Laguna.

Mula naman sa Kabisayaan, kasali rin sina Marla Alfoque para sa Sinulog ng Cebu; Apriel Smith para sa Utanon Festival ng Dumaguete, at si Kathleen Mae Lendio para sa Karansa Festival ng Danao. Hindi rin patatalo ang mga Ilonggo, sa kanilang mga kinatawan na sina Elaine Segura para sa Iloilo Paraw Regatta; Rowena Gandeza para sa Manggahan Festival ng Guimaras; at si Erna Torreblanca para sa Masskara Festival ng Bacolod. Pambato naman ng mga Waray si Venisse Carm Costibolo para sa Sangyaw Festival ng Tacloban.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Manggagaling naman sa Mindanao sina Julie Faith Agsalud para sa Zamboanga Hermosa Festival; Angelica Doguiles para sa Pascao Festival ng Zamboanga; Carmela Villaruel para sa Timpuyog Festival ng Saranggani; Ariella Jazmine Roque para sa Tuna Festival ng General Santos City; Kyla Osco para sa Kalivungan Festival ng Kidapawan, North Cotabato; Liezel Libria para sa Sultan Kudarat Festival ng Maguindanao, at si Aira Abedin para sa Inaul Festival ng Maguindanao.

Ang magwawagi bilang Festival Queen ng Aliwan Fiesta 2017 ay mag-uuwi ng isandaang libong piso (P100,000) at tropeo, bukod sa pagiging ambassadress of goodwill ng turismo. Gaganapin ang pageant night sa Abril 21 sa harap ng Aliw Theater sa CCP Complex. Ang coronation night ay kasunod ng grand parade sa Abril 22.

Ang Aliwan Fiesta ay suportado rin ng Pride Detergent, Unique Tootpaste, Shield Bathsoap, Tanduay, Globe Telecom, EyeBerry, Dunkin’ Donuts, Cherry Mobile, Fukuda, MyJuiz, AICS, M. Lhuillier, 2Go, Manila Bulletin, GES Led Lights, Steeltech, Maxim’s Hotel sa Resorts World Manila, Bayview Park Hotel, Isla 7107, Zanea Shoes, at ng It Figures Facial and Slimminf Salon.

Para sa karagdagang kaalaman, mag-email sa [email protected] at maaari ring tingnan ang www.aliwanfiesta.org.ph o ang official Facebook page.