CAMP NAKAR, Lucena City – Isang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) ang napatay makaraang makipagbakbakan sa 83rd Infantry Battalion ng Philippine Army sa Barangay Talisay, Oas, Albay, kahapon ng umaga.

Sa report ng Southern Luzon Command (SolCom), kinilala ang napatay na si Diomedes Apinado, alyas Delio, pinakamataas na opisyal ng NPA sa Albay, na nakumpiskahan ng granada, ilang bala ng .45 caliber pistol at mga subersibong dokumento.

Ayon sa mga ulat, dakong 6:30 ng umaga nang makatanggap ng impormasyon ang 83rd IB tungkol sa presensiya ng mga rebelde sa lugar at nauwi sa engkuwentro ang pagresponde ng militar.

Batay sa mga report, si Apinado ay may arrest warrant sa anim na kaso ng murder, apat na attempted murder at isang multiple murder. (Danny J. Estacio)
Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental