MEMPHIS, Tenn. (AP) — Hindi pa natatalo ang San Antonio Spurs ng playoff game sa Bluff City mula noong 2011, at mapait ang katotohanan na hindi pa nakakapanalo ang Memphis Grizzlies sa Spurs kahit saan.
Sa kabila nito, hindi isinasantabi ni Spurs guard Tony Parker ang kakayahan ng Grizzlies na makabangon sa hukay ng kabiguan.
"We have a lot of respect for Memphis," pahayag ni Parker sa ensayo ng Spurrs nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).
"They made it hard on us during the regular season, and I expect them to play very well at home. And we know a series can change very fast. We've been up two in the past and a team came back, so I just want to make sure we stay focused."
Ganito rin ang pananaw ng Cleveland Cavaliers.
Tulad ng Spurs, lalapit sa posibleng ‘sweep’ ang Cavaliers sakaling maipanalo ang Game 3 laban sa Indiana pacers sa Huwebes (Biyernes sa Manila) sa Indianapolis. Tangan ng Cavs ang matikas na 12-0 karta sa sandaling nakakuha ng 2-0 bentahe sa playoff series.
"Having those guys is a great luxury because every night two of the three should play well," sambit ni Cavs coach Tyronn Lue. "And if two of the three guys play well and we get someone to pitch in off the bench we're pretty unstoppable."