Prince Harry at Meghan copy

PARA sa mga karaniwang tao, kinakailangan ng dalawang uri ng ID at imbitasyon para makapasok sa pribadong gate ng Kensington Palace. Sumasailalim sa mahigpit na security check at “follow strict protocol” ang mga bisita para makapasok sa bahay ng mga royal na kinabibilangan nina Prince William, Duchess Kate, at Prince Harry, saad ng madalas na dumalaw rito.

Ngunit anumang araw, may isang tao na nakakalusot sa mga security guard – ang girlfriend ni Prince Harry na si Meghan Markle. Si Meghan ay “waved right through,” saad ng source na nagbahagi nito sa bagong issue ng Us Weekly. “Harry has made it clear she’s to be treated like everyone else who lives there.”

Itinuturing ito bilang hakbang para sa kanyang royal transformation. Inaasahan na rin ng mga kaibigan ni Harry na magpo-propose ang prinsipe sa aktres na nakabase sa Toronto pagsapit ng taglagas. Inihahanda na rin ng aktres ang sarili para sa buhay na bahagi ng The Firm, ang cheeky name na ibinigay ng royals sa kanilang pamilya.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Mayroon na ring komunikasyon ang 35-anyos na divorcee sa most trusted aide ni Harry. Laging handa ang 32-anyos na si Edward Lane Fox, private at communication secretary ni Prince Harry upang sagutin ang mga tanong ni Meghan, saad ng source. “There have been many times where Meghan’s been unsure of protocol,” ani source, “and having access to Harry’s aides has been a godsend.”

Close na rin ang Suits actress sa kapatid ni Prince Harry at sister-in-law nito. Inilahad ng isang insider na binibigyan na ng mga tip nina William, 34, at Kate, 35, ang aktres kung paano i-handle ang buhay bilang royal. “She’s very much been accepted into the family,” sabi ng insider. “They are so happy to see Harry happy.”

Nagbago na rin si Harry. Nakilala siya dati sa kanyang party-boy antics, ngunit ngayon ay pinamamahalaan na niya ang Heads Together, isang charity na naglalayong tuldukan ang maling pananaw sa mental health, kasama sina Will at Kate.

Sa panayam sa kanya ng The Telegraph nitong Linggo sa Mad World podcast, ibinahagi ng dating military officer na sumailalim siya sa counseling nang pumanaw ang kanyang ina na si Princess Diana, noong siya ay 12-anyos pa lamang.

“Because of this process,” aniya, “I’ve now been able to take my work seriously, been able to take my private life seriously as well.” (Us Weekly)