RAMOS, Tarlac – Isang magsasaka ang natangayan ng malaking halaga ng nagpakilalang pulis sa Purok Masagana, Barangay Toledo sa Ramos, Tarlac, Martes ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Rodolfo Novesteras, Jr., 42, may asawa, na natangayan ng P12,000 ni Goven Quebral, 41, may asawa, ng Bgy. Ambassador, Nampicuan, Nueva Ecija.
Nagpakilala umano si Quebral na kaanak ng biktima at isang operatiba ng Guimba Police sa Nueva Ecija.
Dakong 9:53 ng umaga at nasa kanyang bahay si Novesteras nang lapitan siya ng suspek at nagsabing aarkilahin ang kanyang threshing machine, bago nangutang para ipagamot ang ama nito. (Leandro Alborote)