DADALO ang Pangulong Duterte sa opening ceremony ng Palarong Pambansa.

Ayon sa Department of Education (DepEd), organizer ng taunang Palaro para sa mga estudyante, pormal na tinanggap ng Malacanang ang imbitasyon para pangunahan ng Pangulo ang pagtanggap sa mahigit 1,000 kalahok sa torneo.

“Gusto ko lahat ng kalahok sa Palarong Pambansa ay nasa aking harapan,” pahayag umano ng Pangulo.

Nakatakda ang Palaro sa Abril 23-30 sa Antique.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Ayon kay Atty. Arthur Lastimoso, chairman ng local organizing committee ng Palarong Pambansa 2017, nagsagawa na ng inspeksyon sa venue ang mga kasapi ng Presidential Security Group (PSG) at Presidential Management Staff (PMS) kung saan inaasahang dalawang oras mananatili ang Pangulo.

Ngayon pa lamang ay nakaalerto na ang pamahalaang lalawigan ng Antique partikular ang mga pulis para tiyakin ang seguridad at payapang pagbubukas ng Palarong Pambansa. (Beth Camia)