LUMAGDA ang tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources sa Guimaras sa memorandum of agreement sa iba’t ibang organisasyon, kabilang ang limang lokal na pamahalaan, upang mapalakas at mapagtibay ang pangangasiwa sa mga marine protected areas sa probinsiya.

Naselyuhan ang kasunduan, na tinatawag na Memorandum of Agreement of Guimaras Alliance of Protected Areas and Sanctuaries o GAPAS, noong Abril 4 sa tanggapan ng Provincial Environmental and Natural Resources Office sa Guimaras sa San Miguel, Jordan.

Ang memorandum of agreement ay nilagdaan ng mga opisyal ng mga kalahok na ahensiya ng gobyerno, mga people’s organization, at ng mga pinuno ng mga unibersidad at pamantasan ng pamahalaan, limang munisipalidad sa Guimaras kabilang ang Buenavista, Jordan, San Lorenzo, Nueva Valencia at Sibunag, at ng iba pang katuwang ng kagawaran.

Ang kasunduan ay alinsunod sa Coastal and Marine-Ecosystems Management Program at pinatatatag ang determinasyon ng mga partidong sangkot sa pangangasiwa, pagresolba at epektibong pagbabawas sa mga banta sa pagkasira ng mga dalampasigan at ng marine ecosystems sa Guimaras.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Nais din nito na makamit at maitaguyod ang sustainability ng ecosystem services, seguridad sa pagkain, at kahandaan sa climate change.

Inaasahang makakamit ngayong taon ang isa sa mga layunin ng memorandum of agreement sa paglalaan ng P22 milyon budget mula sa Coastal and Marine-Ecosystems Management Program na legal na ipagkakaloob sa mga lokal na pamahalaan.

Ang budget ay magsisilbing pondo sa pangangalaga sa marine protected areas na hindi saklaw ng hurisdiksyon ng Department of Environment and Natural Resources, ngunit nasa ilalim ng pamamahala ng mga lokal na pamahalaan at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

“Through this binding pledge, the local leaders of Guimaras will work towards the sustainability of the island’s resources,” saad ni Constanino Cordero Jr., kinatawan ng munisipalidad ng San Lorenzo. “Let us make Guimaras a better place to live in.”

Kinilala rin ni Region 6 Director Jim Sampulna ang pagsisikap na ginawa ng mga partido upang maitaguyod ang pangangalaga at pangangasiwa sa marine protected areas sa Guimaras.

“The support and commitment from the LGUs, POs, SUCs, and partner agencies are overwhelming. Let us continue to work hand-in-hand so that we may implement strategies that will strengthen and promote protection and conservation of our environment, most especially of protected areas and sanctuaries. It is with the collaboration of various sectors that we will achieve the change we need,” ani Sampulna. (PNA)