Ang dambuhalang itim na bulateng nabubuhay sa putik sa kailaliman ng karagatan at kumakain ng tira-tirang “noxious gases” na galing sa mga bakterya ay ipinakilala ng scientists sa unang pagkakataon.
Ang madulas na dambuhalang shipworm ay maaaring lumaki o humaba ng hanggang 155 sentimetro (limang piye), sa kabila ng pananatili sa sedentary life sa kailaliman ng dagat at pagkain ng mga dumi ng micro-organisms na nabubuhay sa hasang nito.
“We are amazed. This is the first time we saw a shipworm as large as this. Usually, shipworms are only as short as a matchstick and are white,” sabi sa Agencé France Presse (AFP) ng Pilipinong marine biologist na Julie Albano.
Sinabi ni Albano na ang giant shipworm ay natagpuan sa bayan ng Kalamansig sa Sultan Kudarat, at ang mga bakterya nito ay pinag-aaralan na ngayon para sa posibleng mapaggagamitan nito sa paglikha ng gamot.
Bagamat ngayon lamang natuklasan ng international marine scientists ang hayup na may kakatwang itsura, ayon kay Albano ay maraming taon na itong nakikita ng mga naninirahan sa naturang lugar.
“The shipworm is edible, tastes like an octopus,” ani Albano. “Locals eat it and it serves as an aphrodisiac for them.”
Ang shipworm ay hindi naman tuwirang bulate, kundi bivalve — tulad ng tahong at tulya — at mayroon itong sariling malutong na shell.
Kilala rin sa scientific name nitong Kuphus Polythalamia, ang mollusc ay malayo ang pagkakaiba sa mas maliit na kahawig nitong shipworm, na pumapasok — at kumakain — ng kahoy.
Natuklasan ng mga mananaliksik na sumuri sa nilikha na mayroon itong sariling digestive system.
Kinakain ng Kuphus Polythalamia ang bakterya na namumuhay sa hasang nito, na nagiging hydrogen sulphide kapag na-digest na — isang gas na katulad ng bulok na itlog ang amoy — na nagmumula sa putik at nagbubuga ng carbon.
“We suspected the giant shipworm was radically different from other wood-eating shipworms. Finding the animal confirmed that,” sabi ni Margo Haygood, research professor sa University of Utah na nakibahagi rin sa pag-aaral. (AFP)