CHOT AT DIREK BRILLANTE copy

HABANG graduation season, minarapat ng TV5 na ibahagi ang obra ng award-winning at batikang direktor na si Brillante Mendoza. Ito ang last episode ng kanyang film-made-for-television para sa Brillante Mendoza Presents na may titulong.

“Pagtatapos”

Mapapanood na ito sa Sabado, Abril 22, 9:30 ng gabi.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Tatalakayin ni Direk Brillante sa “Pagtatapos “ ang istorya ng 4th year folk dance student sa Philippine High School for the Arts sa National Arts Center sa Mt. Makiling, Los Baños, Laguna.

Mapapanood ang pinagdaanan ng isang troubled young girl na haharapin ang personal struggles sa kanyang pag-aaral, sa pamilya, at sa patuloy na pagpapakita sa kanya ng visions ni Maria Makiling.

Bukod sa istorya tungkol sa survival, ang “Pagtatapos” ay magsisilbi ring panawagan sa mga magulang na maging sensitibo sa pagtugon sa mga pangangailangan ng kanilang mga anak. Ipapakita ang mga sitwasyon kung bakit humantong sa pagpapatiwakal ang isang troubled youth at kung gaano kahalaga ang papel ng pamilya para maitawid ang pinagdaraanan ng isang anak.

Ito ay isa na uling mapangahas na television collaboration ng TV5 top gun na si Chot Reyes at ni Direk Brillante Mendoza.

Masining na isasalaysay sa “Pagtatapos” ang istorya tungkol sa wastong pagpili sa buhay. Ayon sa TV5 people, ang bagong made-for-television masterpiece na ito ay sumasalamin sa dedikasyon ng TV5 bilang network na naghahatid ng bagong uri ng entertainment. (ADOR SALUTA)