kATHRYN copy

BALITANG iri-reboot o muling gagawin ang Taiwanese drama na Meteor Garden, na unang ipinalabas noong April 12, 2001.

 

Ipinalabas ito sa ABS-CBN noong 2003 at kalaunan din sa GMA-7, at after 13 years, balitang iri-remake ito ng Taiwan.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

May bali-balita na ang pinagpipiliang gaganap as lead female character, si Shan Cai, ay sina Sarah Geronimo at Kathryn Bernardo. At dalawang set naman ng Kapamilya actors ang sinasabing pinagpipilian para humalili sa roles na ginampanan nina Jerry Yan, Vic Zhou, Vaness Wu at Ken Chu, ang kilalang F4. Sina Daniel Padilla, James Reid, Enrique Gil at Sam Concepcion ang unang set at sa pangalawa, ay ang Kanto Boys ngASAP na sina Luis Manzano, Vhong Navarro, Billy Crawford at John Lloyd Cruz.

Wala pang inire-release na mga pangalan ang Taiwanese producer. Ang bagong Meteor Garden ay nakatakdang ipalabas sa 2018.

Tiyak na tuwang-tuwa sa balitang ito ang avid followers noon ng Meteor Garden. May friend nga kaming love na love ito at kabisado pa rin hanggang ngayon ang istorya na paulit-ulit pa rin niyang pinapanood, in Chinese dialogue at Tagalized.

Sa ngayon, ang sinasabing humalaw ng istorya sa Meteor Garden ay ang primetime romantic-comedy ng GMA-7 na Meant To Be na may apat ding leading men, katambal ni Barbie Forteza na gumaganap bilang si Billie. Si Ken Chan ay ang Filipino-Chinese na si Yuan, ang Pinoy na si Andoy (Jak Roberto), British naman si Ethan (Ivan Dorcshner) at Indian si Jai (Addy Raz). Sa ngayon ay umaani ng mataas na rating ang show at gabi-gabing pinupuri ng televiewers ang cast lalo na ang pakiligan sa panliligaw na ginagawa ng apat na suitors ni Billie. Dinudumog din ng fans ang out-of-town shows nila.

Sa direksiyon ni LA Madridejos, napapanood ang Meant To Be pagkatapos ng Destined To Be Yours.