PARA magkaroon ng seryosong tsansa na muling makakuha ng PBA crown, kailangan lamang ng San Miguel Beermen na mag-enjoy sa bawa’t laro ng kasalukuyang Commissioner’s Cup.

Ito ang maliit na sikretong ibinahagi ni point guard Chris Ross matapos ang kanilang 103-97 victory kontra Star Hotshots nitong Linggo upang maitala ang matikas na 3-0 marka sa mid-season tournament.

Bukod sa pagkakaroon ng bonding sa isa’t isa sa loob at labas ng court, ilang mga non-basketball activities din ang nagpapatibay sa samahan ng current Perpetual champion.

“Even in practice we enjoy ourselves, we have a Zumba class during practice one day. We’re just really having fun with each other and keeping things fresh,” ani Ross.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa kabila nito, maaga pa para sa Beermen para ilista ang isa pang korona gayong malayo pa ang kanilang tatahakin para makuha ang 24th PBA crown ng kanilang franchise.

“You really don’t want to peak first three games of the conference. You want to peak later on in the eliminations and into the playoffs. Hopefully our next two games will be good for us going into the All-Star break,” pahayag ni Ross.

Samantala bukod sa Zumba classes at braided hairstyle, pagkulay naman ng kaniyang buhok ang susunod na target ng Texas-born dribbler.

“I want to but Arnold (Van Opstal) beat me to it so I told myself I’ll just wait. Maybe after next conference I’ll do it,” dagdag ng nakangiting si Ross.

Sa ngayon ay pinaghahandaan ng Beermen ang kanilang fourth assignment – laban sa Mahindra Floodbuster na kanilang makakaharap ngayong hapon sa Cuneta Astrodome. (Dennis Principe)