NAAWA naman kami sa isang baguhang singer na nagpupursige para mapansin at makilala sa pinili niyang career pero katakut-takot na lait ang inaabot.

Nanood ang mga kaibigan namin sa isang live program na isa ang baguhang singer sa guests kasama ang iba pang baguhang tulad niya pero siya ang nilait-lait.

“Ateng, bakit ang chakabels ng boses?” kuwento ng mga kaibigan namin. “Hindi kagandahan, pasosyal na ewan. At hindi na nga kagandahan, baduday pa manamit, ano ba?”

May ‘K’ na magkomento ang isa sa mga kaibigan naming nanood dahil professional singer, choreographer at kasalukuyang siyang nakabase sa ibang bansa at nagbabakasyon lang sa ‘Pinas.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ipinikit namin ang mga mata namin at in-imagine ang baguhang singer kung ano nga ba ang mali sa kanya. Bakit nga ba parang hirap ang karamihan na tanggapin siya gayong okay naman siya para sa amin.

“Papikit-pikit ka pa, ano, naisip mo na?” sabi pa ng friend namin. “Kung tsika mo siya, payuhan mo, hindi kailangang magpakasosyal o class para mapansin, sabihin mo, nandito siya sa Pilipinas, magsalita siya ng tamang lenguwahe, hindi ‘yung may accent pa, hindi kamo sumisikat ang mga ganyang uri ng singers. 

“Dito siya ipinanganak, lumaki at dito rin nag-aral, so ano’ng problema? Unless sa ibang bansa niya pangarap magka-career. Bakit nagpapaka-slang? And please, mag-hire siya ng stylist niya.

“Kung si Rachel Ann Go nga, hindi naman ganyan ‘kita mo naman nasaan na ang lola mo. ‘Wag na kasing mag-ambisyong another Lea Salonga siya, waley na waley ang boses.”

Sinabi na lang namin sa kaibigan namin na ganyan talaga kapag baguhan, maraming lait ang inaabot. Katunayan, halos lahat naman ng kilalang singers ngayon ay dumaan sa ganyan.

Sana lang maging challenge ito sa baguhang singer para mas lalo siyang tumatag at pagbutihin ang pinasok na career at higit sa lahat, baka nga may kailangan siyang ayusin sa itsura o pananamit at sa attitude na rin na pa-class pero semplang naman. (Reggee Bonoan)