TORONTO (AP) – Markado ang pagbabalik ni Milwaukee star Giannis Antetokounmpo sa NBA postseason. At sa pagkakataong ito, higit ang pagnanais niyang marating ang mas mataas na level ng playoffs.
Pangungunahan ng 22-anyos Bucks star na tinaguriang “Greek Freak” ang Milwaukee sa pagukit ng 2-0 bentahe sa pakikipagtuos sa Toronto Raptors sa Game 2 ng kanilang Eastern Conference first round playoff ngayon sa Air Canada Center.
Target din ng Utah Jazz, sasabak na wala ang na-injured na center na si Rudy Gobert, ang 2-0 bentahe laban sa Los Angeles Clippers sa West Conference playoff, habang asam ng Boston Celtics na makatabla laban sa Chicago Bulls.
Ayon kay Bucks coach Jason Kidd, mas mataas ang kumpiyansa ni Antetokounmpo kumpara sa nakalipas na season.
“He set the tone for everyone offensively and defensively, and just understanding he came out aggressive, he didn’t wait,” pahayag ni Kidd. “We’re going to need that from him.”
Tunay na malaking hakbang sa career ng Greek star ang sitwasyon mula nang matikman ang unang karanasan sa playoff noong 2014-15 season.