CAMP DANGWA, Benguet - Patay ang isang minero habang dalawang kasamahan niya ang ginagamot pa sa ospital matapos mabiktima ng gas poisoning sa loob ng impounding tank ng mine tailings sa Itogon, Benguet nitong Lunes ng hapon, ayon sa ulat ng Police Regional Office-Cordillera (PRO-COR).

Ayon kay Supt. Carol Lacuata, information officer ng PROCOR, ang impounding tank ng tailings ay nasa Sitio Fatima sa Barangay Ucab, Itogon, Benguet at pag-aari ni Jimmy Bawayan, 43 anyos.

Batay sa imbestigasyon, dakong 2:00 ng hapon at naglilinis sa loob ng tangke sina Allen Dao-as, 24; Peter Ticag, 40; at Benito Bolinget Lengwa, 26, pawang tubong Madongo sa Sagada, Mountain Province, nang matagpuan na lang ang mga ito na nakabulagta at walang malay.

Agad na sumaklolo ang mga kapwa minero pero dead on arrival sa Baguio General Hospital and Medical Center si Dao-as.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

(Rizaldy Comanda)