Lotlot copy

Hindi na lang sa moviegoers nanawagan si Lotlot de Leon at ang buong cast ng 1st Sem at DirekAllan Michael Ibañez at Direk Dexter Paglinawan Hemedez kundi maging sa theater owners na idinaan nila sa Instagram (IG).

“Alam ko po na hindi ito ang unang pagkakataon na humingi ng tulong o manawagan ang isang artistang kagaya ko sa industriya, na humingi ng pansin mula sa cinema owners... Sana po, ang mga locally-produced independent films kagaya ng 1st Sem ay mabigyan din po ng importansiya kagaya ng pagbibigay ng importansiya ng ating mga local na sinehan sa foreign films... Ang 1st Sem po ay walang malaking distributor... pero naniniwala po kami na itong pelikulang ito ay malaki din po ang maibabahagi sa industriya bilang ang pino-promote po nito ay family values at ang kahalagahan ng edukasyon...

“Nakakalungkot lang pong isipin na sa ibang bansa ay malaki ang naging impact nito, at nabigyan na din po ng mga karangalan at papuri at gusto sana naming maibahagi dito sa atin. Sa lahat ng mga manonood ang ganitong klase ng pelikula na tumatalakay sa katotohanan ng buhay ng isang pamilya, isang pelikulang napapanahon para sa mga kabataan at sa mga magulang, lalung-lalo na sa mga ina na buong sikap na nagtataguyod ng pamilya. #labanlang1stSem.”

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Showing sa April 26 ang 1st Sem na puro good reviews ang nakuha sa mga nakapanood na at nagustuhan ito pati ng kapwa filmmakers nina Direk Dexter at Direk Allan. Ang husay ni Lotlot at ng buong cast, lalo na sa monologue scene ng una habang nakaupo sa mesa kaharap ang kapatid at ilang kamag-anak.

Ito ‘yung eksenang nalaman ni Lotlot na nakabuntis ang panganay niyang anak at naalala ang namatay na asawa.

(NITZ MIRALLES)