KAHIT pinigilan daw niyang umiyak, hindi pa rin nagawa ni Karla Estrada, nang magbigay ng mensahe si Karla sa kasamahang host sa Magandang Buhay na si Melai Cantiveros.

Aminado si Karla na bukod sa mga anak niya na ipinagmamalaki niyang nagpapasaya sa kanya everytime na magkakasama sila, nararamdaman din daw niya ito kay Melai na tunay na kapamilya na ang turing niya. 

“Sabi ko nga, ‘I really thank God na nakilala ko si Melai, kasi iba ‘yung tawa, ‘yung happiness na hindi lahat nabibili. Kakaiba rin ang friendhip na naibigay niya sa aming dalawa ni Jolina,” sey pa ng ina ni Daniel Padilla. 

Dagdag pa ni Karla, ang nakikita raw ng mga tao na kaligayahan sa pagsasama-sama nila sa kanilang show ay hindi mabibili ng anumang halaga. 

Pelikula

FL Liza Marcos, ilang senador dumalo sa VIP screening ng 'Hello, Love, Again'

“Mahal namin ‘yang si Melai. Hindi talaga matatawaran ang pagkakaibigan naming tatlo,” sey pa ni Karla. 

Bagamat patuloy raw na gumaganda ang ratings ng Magandang Buhay, ang higit na pinahahalagahan ng tatlong host ay ang samahan nila. (JIMI ESCALA)