MULING binanggit ni Prince Harry na handa na siyang magsimula ng pamilya sa panayam sa kanya ng Mad World podcast ng The Telegraph.
“Of course, I would love to have kids,” aniya sa podcast host na si Bryony Gordon.
At mayroon din siyang karanasan dito. Ninong na si Harry sa lima o anim na anak ng kanyang mga kaibigan.
Nang tanungin kung naging mabuti siyang ninong, tugon niya, “I’d like to think so. I think the key to that is to be able to grow up, but also be able to stay in touch with your childhood side.”
Nakikipag-bonding siya sa kanyang mga inaanak sa ganitong pag-uugali – at sa pakikipaglaro rin ng PlayStation.
“If that means going to someone’s house, sitting there and playing PlayStation, kicking the ass of their son on CounterStrike, or Halo, or whatever it is, then I’ll try and do that,” saad ni Harry — bagamat inamin niya na medyo kulang pa siya sa practice.
Nitong mga nagdaang taon, naging bukas si Harry, na kasintahan ngayon ang Suits star na si Meghan Markle, sa pagnanais na magkaroon ng mga anak sa hinahanap, ngunit sinabing hindi naman siya nagmamadali.
“There have been moments through life, especially when we do a tour abroad, when I think, ‘I’d love to have kids now,’ ” aniya sa People noong nakaraang taon. “And then there are other times when I bury my head in the sand going, ‘All right, don’t need kids!’ There’s no rush. I think, I tell you what: There’s been times I’ve been put off having children.”
Sa ngayon, sinabi niya sa People na maligaya siya bilang tito nina Prince George at Princess Charlotte.
“Nobody wants to be boring.” (People.com)