MALVAR, Batangas - Inaalam pa ng pulisya ang suspek sa pagpatay sa isang ginang na umano'y pinagsasaksak habang natutulog katabi ang anak niyang babae sa Malvar, Batangas.

Dead on arrival sa Daniel Mercado Medical Center si Evelyn Sapinoso-Tasico, 38, taga-Barangay San Juan, Malvar.

Ayon sa report ni PO3 Avelino Atienza, natutulog ang biktima katabi ang walong taong gulang nitong anak na babae nang pagsasaksakin ng suspek, na dumaan sa likurang pinto ng bahay ng mag-ina. (Lyka Manalo)

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental