SAN FRANCISCO (Reuters) — Inilunsad ng Facebook Inc. nitong Lunes ang pagrerepaso sa paraan ng pamamahala nito sa mga bayolenteng video at iba pang hindi kanais-nais na materyal, matapos nanatili ng dalawang oras sa website at mobile app nito ang video ng pagpatay sa Cleveland noong Linggo.

Ipinahayag ni Justin Osofsky, Facebook vice president for global operations and media partnerships, na maghahanap ng mga paraan ang pinakamalaking social network sa mundo kung paano mas magiging madali sa mga tao na isumbong ang mga ganitong uri ng video.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina