Tiniyak ng pulisya na hindi makalalabas sa Bohol ang mga natitirang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na sumalakay ngunit nabigong magsagawa ng pagdukot sa mga turista sa lalawigan.

Hindi tumitigil ang Inabanga Municipal Police sa pagtugis sa lima pang tauhan ng napatay na opisyal ng ASG na si Muamar Askali, alyas “Abu Rami”, sa bakbakan sa Bohol noong nakaraang linggo.

Sinabi ni SPO4 Teto Fradgel na partikular na tinugis ang Bol-anon na si Joselito Milnoria, na kabilang sa limang miyembro ng Abu Sayyaf makaraang makipagbakbakan sa awtoridad.

Naniniwala rin ang pulisya na hindi pa nakalalabas sa Bohol ang mga bandido dahil may pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya sa mga entrance at exit point ng lalawigan, sa tulong ng Philippine Coast Guard Region (PCG)-Region 7.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Matatandaang tatlong sundalo, isang pulis at anim na bandido ang nasawi sa bakbakan ng Abu Sayyaf at ng militar at pulisya nitong Abril 11. (Fer Taboy0