Makaraang hindi lumusot sa Commission on Appointments (COA), muling nagpalabas ng interim appointment si Pagulong Duterte para sa apat na miyembro ng kanyang Gabinete.

Lunes ng gabi nang inilabas ng Pangulo ang kanyang inisyung appointment kina Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Regina Paz La’O Lopez, Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Rafael Vitriolo Mariano; Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Marigomen Taguiwalo; at Department of Health (DoH) Secretary Paulyn Jean B. Rosell-Ubial.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, muling naglabas si Duterte ng ad interim appointments para sa mga nabanggit na miyembro ng Gabinete makaraang mabigo ang mga ito na makalusot sa COA kamakailan.

Matatandaang matinding oposisyon ang hinarap ni Lopez dahil sa mga hakbangin niya laban sa industriya ng minahan, habang naging kontrobersiyal naman si Ubial sa pagmumungkahi ng pamamahagi ng condom sa mga paaralan.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Kapwa naman binabatikos sina Mariano at Taguiwalo dahil sa koneksiyon nila sa komunistang grupo. (Beth Camia)