SAN MANUEL, Tarlac - Sinawing-palad na mamatay sa Del Carmen Hospital ang isang binatilyong motorcycle rider at kapwa menor de edad na angkas niya matapos silang mabundol ng isang compact SUV sa highway ng Barangay San Vicente sa San Manuel, Tarlac, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni SPO1 Jesus Abad ang mga nasawing sina Christian Gener Antonio, 17, binata at nagmaniobra ng Rusi motorcycle; at Christine Angel Antonio, 16, dalaga, kapwa residente sa lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, pahilaga ang Honda CRV (CSR-386) na minamaneho ni Richard Tan, 65, ng Bgy. San Vicente, San Manuel, nang makasalpukan ang motorsiklo ng mga biktima. (Leandro Alborote)

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental