Nananawagan ang industriya ng turismo sa bansa sa pamahalaan na agad solusyunan ang problema ng Immigration Officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City kahapon.

Pinoproblema ng mga IO ang hindi pagbabayad ng Bureau of Immigration (BI) sa kanilang overtime pay na nagbunsod ng mass leave at pagliban sa immigration counters sa NAIA, na nagdulot naman ng paghaba ng pila ng mga pasahero.

Ayon kay Latvia consul general Bobby Lim Joseph, kilalang tourism promotion advocate, ang mahabang pila sa mga immigration counter sa NAIA ay posibleng magdulot ng negatibong epekto sa industriya ng turismo sa Pilipinas. (Bella Gamotea)

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal