RIZAL, Nueva Ecija - Sinawimpalad na masawi ang dalawang na aksidenteng nalibing nang buhay makaraang gumuho ang lupang hinukay nila sa Sitio Matidtid sa Baragay Paraiso, Rizal, Nueva Ecija.
Ayon sa Rizal Police, natabunan ng hinukay na lupa sina Frederick Sobillo y Binuya, 40, ng Bgy. Tulay Na Bato, Bongabon; at Pedro Tapang y Cornez, alyas “Peter”, 60, ng Bgy. Casile, Llanera, Nueva Ecija.
Dakong 7:00 ng gabi nitong Abril 10 nang lumusong ang dalawa sa may hanggang 15 metro ang lalim na hukay ngunit bigla itong gumuho sa kanila. (Light A. Nolasco)