MAY ipinost na teaser si Robin Padilla sa Instagram (IG), hindi lang malinaw kung pelikula ito o teleserye niya sa ABS-CBN. Ang title na nakalagay ay Bad Boy III Bagani at may kasunod na “coming soon.”

Nagtatanungan ang followers ni Robin kung pelikula ba ito o teleserye, pero may idea na ang iba sa kanila na pelikula ito dahil nabanggit na niya sa isang interview kamakailan na gagawin niya ang Bad Boy III.

Ang nakakalito lang, napabalita rin minsan na maggi-guest sina Liza Soberano at Enrique Gil sa teleserye ni Robin na ang title ay Bagani.

Tanong ng fans, ano ba talaga ang project na ito ni Robin na action na action ang dating at sa teaser, may ipinakitang sumabog na kotse. Iniba rin ang hitsura ni Robin, may mahabang bigote siya at action star na action star ang tindig at lakad.

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

Anyway, marami ang na-touch sa post ni Robin na picture ng anak na si Kylie Padilla na kuha sa Encantadia at naka-costume si Kylie as Reyna Amihan. Nakasulat ang, “Sino Ang Magiging Kapalit Ni Amihan Sa Trono ng Lireo?”

May mga naiyak sa caption ni Robin: “My action protege!!! Bata pa lang ito matindi na! Nag-gymnastcs, nag-martial arts close hand, open hand, free hand weapons, wire training, gun training and stunts. No man can beat her in combat maging ring man o kalsada man except with LOVE... daddy’s little action princess is now somebody’s queen In sha Allah...” (Nitz Miralles)