Nagkaloob ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P5.5 milyong halaga ng relief assistance sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol sa Southern Luzon at Lanao del Sur.

Sinabi ng DSWD na nagbalik na sa kani-kanilang tirahan sa Tingloy, Mabini, Lemery, Taal, at San Luis sa Batangas ang mga pamilya na lumikas dahil sa takot sa posibleng tsunami bunga ng 6.0-magnitude na lindol noong Abril 8.

Nag-organisa ang DSWD ng psychosocial processing team na ipinadala mula Abril 18 hanggang 21 para magsagawa ng critical incident stress debriefing (CISD) sessions sa mga apektadong pamilya.

Sa ngayon, nakapagkaloob na ang DSWD ng kabuuang P5,295,272 halaga ng tulong sa mga apektadong pamilya sa Batangas.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

May kabuuang P252,394.40 halaga ng tulong naman ang ibinigay sa mga pamilyang apektado ng 6.0-magnitude na lindol sa Wao, Lanao del Sur noong Abril 12. (Ellalyn De Vera-Ruiz)