Lotlot copy copy

ISA sa pinakamagandang independent film na napanood namin ang Lotlot de Leon starrer na 1st Sem. May malaking karapatan sa napanalunang Special Jury Prize for Performance sa All Nights Film Festival na ginanap last September sa India si Balot.

Bukod sa acting award, nanalo ring Best Feature Film in the Debut Directors Competition ang nabanggit na pelikula.

Sabi ni Lotlot nang makausap namin pagkatapos ng special screening ng movie, naka-relate siya sa ginampanan niyang papel bilang ina. Hindi lang nagsisilbing ina ng sariling mga anak si Lotlot, kargo o responsibilidad din niya maging ang kanyang mga nakababatang kapatid.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Aniya, hindi siya nahirapang magpalaki sa sarili niyang mga anak, mas nahirapan siya sa mga kapatid niyang sina Ian, Matet, Kiko at Kenneth. Marami siyang naranasang struggles na nalampasan na niyang lahat kaya labis-labis ang pasasalamat niya sa Diyos.

“Matet and Ian are both happily married. Nakahanap na ng work ‘yung dalawa kong kapatid na sina Kiko and Ken,” sey ni Lotlot.

Ayun pa kay Lotlot, may pagkakahawig ang role niya sa 1st Sem as a single parent sa tunay na buhay. May epekto rin naman daw ito sa sarili niya.

“Parang ni-relive ko lang ulit ‘yung buhay ko. Paano ako dati as a sister, as a mom na binigyang-buhay si Precy dito sa movie naming ito,” sey ng aktres.

Samantala, mariing pinabulaanan ni Lotlot ang intriga na may sama raw siya ng loob kay Elmo Magalona na dating kasintahan ng anak niyang si Janine Gutierrez.

“Actually, it was between him and Janine. I have nothing to say. I just look at it as a way... It has to happen for her to learn to grow as a person. I don’t have any ill feeling towards Elmo,” sey ni Lotlot.

Wish lang ng aktres na sana ay magiging magkaibigan pa rin ang dalawa.

“Ang babata pa nga nila and siguro nga, they are not meant for each other,” lahad pa rin ng bida ng pelikulang 1st Sem na nakatakda nang ipalabas sa Abril 26.

Kasali rin ang 1st Sem sa Golden Anniversary ng Worlfest-Houstom International Film Festival ngayong buwan sa Houston, Texas, USA. (Jimi Escala)