NANGUNGUNA ang jersey ni NBA Finals MVP LeBron James sa pinakamabenta sa NBA Stores, batay sa pinakabagong sales report ng apat na NBA Stores sa bansa.

Nasa ikalawa ang jersey ni two-time MVP Stephen Curry, kasunod si NBA All-Star Kyrie Irving.

Tangan naman ng Golden State Warriors ang pagiging numero uno sa team merchandise, kasunod ang Cleveland Cavaliers at Los Angeles Lakers.

Ibinase ang ranking sa in-store sale imula sa 2016-17 NBA season.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Mabibili ng mga tagahanga ang original NBA merchandise sa apat na NBA Stores sa Pilipinas na makikita sa Glorietta 3, Mega Fashion Hall, TriNoma, at Ayala Center sa Cebu.