Eissa at Janet copy

SA unang pagkakataon, ibinahagi ni Janet Jackson ang larawan ng kanyang baby boy na si Eissa sa Instagram.

“My baby and me after nap time,” caption ng 50-anyos na singer sa madamdaming larawan nila ng kanyang tatlong buwang gulang na anak na humihikab at hinahalikan naman ni Janet sa noo.

Nananatiling No. 1 priority ni Janet si Eissa sa kabila ng pakikipaghiwalay sa kanyang asawang si Wissam Al Mana.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang mala-alamat na kuwento ng Bulkang Kanlaon

Saad sa ET ng isang source na malapit sa pamilya Jackson nitong unang bahagi ng linggo, maayos ang kalagayan ng star sa kabila ng pakikipaghiwalay at nakatuon ang atensiyon nito sa bagong silang na anak.

“Janet is ecstatic,” sabi ng source. “She’s so happy with her baby and that’s all she is focused on.” (ET Online)