PAOLO copy copy

HINAGILAP namin sa social media ang boyfriend ni Paolo Ballesteros simula nang i-post niya ang litrato ng kanilang mga kamay na magkahawak na may suot na identical rings at may caption na, “2nd.”

Binasa namin ang lahat ng comments at iisa ang tinutumbok nila, nagdiriwang si Paolo ng anibersaryo sa kapwa lalaking karelasyon.

Pawang positibo ang mga komento at pagbati sa aktor at walang nanghusga sa kanya.

Trending

'Grabe lakas mo!' Netizen na nakatanggap ng 'Hakot Challenge Award,' hinangaan

Ang naturang guy nang tingnan namin sa Facebook ay nagngangalang Roland Ochoa Anog, isang dancer/choreographer.

Sayang at hindi namin nakita kaagad ang post ni Paolo na nakita pa naman namin nang dumalo kami sa 45th birthday party ni Direk Perci Intalan nitong nakaraang Sabado ng gabi. Isa sa mga bisita si Paolo na kararating lang galing New York.

Anyway, tsinek din namin ang cover photo ng FB account ng aktor at larawan naman ng dalawang paa ng lalaki na may identical anklet sa kanan at may petsang 3/17 at may nakasulat ng ‘I love You.’

Nagpadala kami ng message kay Paolo, pero hindi kami sinagot hanggang matapos naming sulatin ang item na ito.

(Reggee Bonoan)