BIEL, Switzerland (AP) — Isa pang teen protégée sa katauhan ng 17-anyos na si Marketa Vondrousova ang agaw-atensiyon sa WTA Tour.

Ginapi ni Vondrousova si Anett Kontaveit ng Estonia 6-4, 7-6 (6) para makopo ang unang career title sa Biel Ladies Open nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Nakamit niya ang titulo, ilang oras matapos masungkit ng 36-anyos na si Francesca Schiavone ang titulo sa isa pang WTA tournament sa Bogota, Colombia.

Nagdebut si Schiavone sa kanyang WTA event sa Italy bago ipinanganak si Vondrousova noong Hunyo 1999.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakumpleto ng 233rd-ranked na Czech teen star ang kampeonato sa Swiss indoor hard-court tournament nang sumalto ang forehand shot ni Kontaveit.

Hindi natalo si Vondrousova ng isang set sa main draw matapos makausad sa qualifying na umabot sa three round. Ginapi niya si top-seeded at kababayan na si Barbora Strykova sa semifinals para makausad sa unang Tour finals.

Kabilang si Vondrousova sa Czech squad na magdedepensa ng Fed Cup title kontra sa U.S. Team sa Saddlebrook Resort, Florida.