LONDON (AFP) – Nanawagan ang mga mambabatas ng UK sa gobyerno na alisan ng British citizenship ang asawa ni Syrian President Bashar al-Assad dahil sa pagsusuporta sa rehimen ng kanyang mister sa patuloy na digmaan sa bansa.
Inakusahan ni Liberal Democrats foreign affairs spokesman, MP Tom Brake, nitong Linggo si Asma Al-Assad na ginagamit ang kanyang kasikatan para depensahan ang ‘’barbarous regime’’.
‘’(Foreign Secretary) Boris Johnson has urged other countries to do more about Syria, but the British government could say to Asma Al-Assad -- either stop using your position to defend barbaric acts, or be stripped of your citizenship,’’ ani Brake.
Dating itinuturing na rights advocate, nadismaya ang mundo sa 41-anyos nasi Asma, may hawak na joint British-Syrian nationality, sa nagpapatuloy na digmaan sa Syria na ikinamatay na ng mahigit 320,000 simula 2011.