BOSTON (AP) — Tangan ni Buzunesh Deba ang Boston Marathon title. Ngunit, nais niyang makuha ang titulo sa maayos na laban.

Ibinigay sa 29-anyos Ethiopian star ang 2014 title matapos bawiin kay Rita Jeptoo ng Kenya na nagpositibo sa performance-enhancing drug.

Bunsod nito si Jeptoo ang ikalawang Boston Marathon winner na biwian ng titulo. Diniskwalipika si Rosie Ruiz noong 1980 dahil sa maling rutang dinaanan.

“She took my chance,” pahayag ni Deba, habang naghahanda para sa Boston event sa Linggo. “I lost so many things.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa kabila ng desisyon, hindi naman binawi kay Jeptoo, 2006 at 2013 champion, ang premyong US$150,000, gayundin ang US$25,000 sa naitalang course record. Naitala ni Deba ang bilis na dalawang oras, 19 minuto at 59 segundo laban kay Jeptoo.

“When you are the champion, the next year, the appearance fees, the contracts, everything” is more lucrative, the two-time New York City Marathon runner-up said this week. “My happiness is that day. But she took it from me,” aniya.