Magpapatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V at Pilipinas Shell, ngayong Martes.

Sa pahayag ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng madaling araw ngayong Martes ay magtataas ito ng 65 sentimos sa kada litro ng diesel, 60 sentimos sa kerosene, at 45 sentimos ang dagdag sa gasolina.

Hindi naman nagpahuli ang Shell na nagpatupad ng kaparehong dagdag-presyo sa petrolyo, bandang 6:00 ng umaga.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa kahalintulad na oil price hike.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Ayon sa Department of Energy (DoE), ang price adjustment ay bunsod ng maintenance shutdown ng oil refineries sa South Korea, Japan at China.

Abril 11 nang nagpatupad ng big-time price hike ang mga kumpanya ng langis; P1.10 ang idinagdag sa gasolina habang 90 sentimos naman sa diesel at kerosene. (Bella Gamotea)