MABINI, Pangasinan – Tatlong lalaki ang nasawi sa magkakahiwalay na insidente ng pagkalunod sa ilog sa Pangasinan at Tarlac nitong Linggo.
Ayon sa report sa Pangasinan Police Provincial Office, nalunod habang tumatawid sa Balincaguing River sa Barangay Poblacion sa bayan ng Mabini si Jose Supangan, 18, laborer, taga-Bgy. Tagudin, nitong Linggo ng hapon.
Lasing naman nang mag-isang naglangoy sa Agno Riover sa Bgy. Sta. Rosa sa Sta. Maria ngunit nalunod si Noel Vino, 49, ng Bgy. Poblacion, Balungao.
Sa Tarlac, naalinsangan sa panahon kaya nagpasyang maligo ngunit nalunod sa Camiling River sa Bgy. Pao 3rd si Marino Miradios, 40, geodetic engineer, may asawa, residente sa nasabing barangay, ayon kay PO2 Maximiano Untalan, Jr.
(Liezle Basa Iñigo at Leandro Alborote)