SA mga bagong dagdag na cast ng Encantadia, si Zoren Legaspi pa lang bilang si Emre ang ipinakita. Sa teaser pa lang ipinakita si Ian de Leon na gumaganap sa role ni Keros. Sa “Aabangan” naman unang nakita siValeen Montenegro na gaganap sa role ni Bathaluman Haliya.

Sabi ni Zoren sa interview sa kanya sa24 Oras, masaya siya dahil kahit bagong pasok lang siya sa Encantadia, agad siyang tumatak sa viewers.

“Kahit saan ako magpunta, Emre ang tawag sa akin. May dating agad at mabilis nila akong tinanggap,” sabi ni Zoren.

May mga fight scene si Zoren sa fantaserye at isa ito sa mga rason kung bakit niya tinanggap ang offer ng GMA-7. 

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Kuwento pa ni Zoren, madalas ‘pag may fight scene siya, apat na oras ang praktis niya bago kunan ang eksena at ilang beses na siyang nasipa sa mukha. (Nitz Miralles)