ISTANBUL (AFP) – Nahahati ang bansa at nagrereklamo ang oposisyon sa manipis na panalo ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan sa makasaysayang referendum nitong Linggo na baguhin ang konstitusyon at lumipat sa presidential system mula sa parliamentary system.

Kinumpirma ni Supreme Election Board chief Sadi Guven na nanalo ang botong ‘Yes’ ng 51.4 na porsiyento laban sa 48.6 na porsiyento ng ‘No’ sa referendum, ngunit sumumpa ang oposisyon na hahamunin ang resulta.

Sa ilalim ng bagong sistema tatanggalin ang opisina ng prime minister at ililipat ang lahat ng kapangyarihan sa presidente, na magbibigay kay Erdogan ng direktang kapangyarihan na magtalaga ng mga minister. Magkakabisa ito matapos ang eleksiyon sa Nobyembre 2019.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'