Kasakiman sa pera ang ugat ng maraming problema sa bansa.

Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle nang pangunahan niya ang pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay kahapon.

Sa kanyang Easter message, inalala pa ni Cardinal kung paanong maging ang muling pagkabuhay ni Hesus ay ipinagkanulo at itinanggi kapalit ng malaking halaga ng salapi, matapos na magpasuhol ang mga sundalong nagbabantay sa libingan ni Kristo upang magbigay ng maling impormasyon na ninakaw ang katawan ng muling nabuhay na si Hesus.

Ayon sa Cardinal, nagpapatuloy pa rin sa mundo ang ganitong kasakiman sa pera hanggang sa ngayon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“But this only leads to greed, corruption, manipulation and further despair. It inflicts death on others, especially on those who are already marginalized,” bahagi ng Easter message ni Tagle.

Sabado ng hatinggabi nang pangunahan ng Cardinal ang Easter Vigil service sa Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila.

“This Easter we declare once again: No amount of money or power or honor could make us deny that Jesus is Risen and that He is our hope!” pahayag ng Cardinal. (Mary Ann Santiago)