BOGOTA, Colombia (AP) — nakamit ni dating French Open champion Francesca Schiavone ang ikawalong career title nang pabagsakin si fourth seeded Lara Arruabarrena, 6-4, 7-5, sa Claro Open Colsanitas finals nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Ito ang unang panalo ng 36-anyos na si Schiavone sa main-draw ng WTA match mula nang makamit ang Rio Open sa nakalipas na taon. Kabilang sa tinalo niya si 2016 French Open semifinalist Kiki Bertens.

Naunang naipahayag ng 2010 Roland Garros champion ang planong pagreretiro sa pagtatapos ng season. Ngunit, dahil sa panalo sa Bogota, umusad ang kanyang ranking sa No. 168 sapat para sa isa pang pagkakataon na makalaro sa French Open ngayong taon.

"I'm not thinking about retirement," aniya sa panayam ng WTA website. "I'm enjoying tennis."

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL